- Home
- Lipunan
- Edukasyon
Ontario pinabilis ang landas tungo sa apprenticeship para sa high school students
Ang Grade 11, 12 na mga estudyante maaaring igugol na ang mas maraming oras sa co-op courses
Ang mga high school na estudyante sa Ontario malapit na pahintulutan na igugol ang mas maraming oras sa apprenticeship pagtuntong ng Grade 11 at 12, kung pipiliin nila na mag-participate sa isang bagong skilled trades program.
Ipinahiwatig ni Ontario Education Minister Stephen Lecce noong nakalipas na taon na ang gobyerno ay kikilos patungo sa direksyon na iyon at, kasama si Ontario Labour Minister David Piccini, inilahad ang mga detalye noong Miyerkules.
Ang probinsya ay lilikha ng isang bagong stream sa loob ng kanilang Ontario Youth Apprenticeship Program na papayagan ang mga estudyante sa Grade 11 at 12 na igugol ang 80 porsyento ng kanilang oras sa co-op courses na naglalayong pabilisin ang kanilang pagpasok sa skilled trades.
Sinabi ni Lecce na ang mga estudyante ay kailangan pa rin kumuha ng math at English courses.
Ang bagong stream ay nakatakdang magsimula sa Setyembre 2025.
Sinabi ni Piccini na upang maabot ang demands ng pagtatayo ng kritikal na imprastraktura, ang probinsya ay mangangailangan ng 500,000 katao pa sa skilled trades sa susunod na dekada.
Kaugnay na mga ulat
- Shortage ng skilled tradespeople tinamaan ang bulsa ng lahat ng Canadians
- [Ulat] Dagdag na 1,600 electrical workers kailangan sa Ontario
- Canada kailangan ng mga karpintero, electrician at iba pang skilled trades
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.